* Most of my friends know the reason for my fictional stories, like tha pathophy story, the mala-ala Telenovela Rosalinda, Sergio and Patrio..and all the other nonsense. The Sergio, Patrio, Rosalinda is new and I had thought of it about a month ago, I still don't know the title so for the mean time, the names will do. The stories are not real but at some point the feelings that imply are authentic.
Due to unpopular demand, I'm going to post it here..my facebook is live this is exclusive. :))
Pumatak na naman ang luha ni Rosalinda sa binabasa niyang libro..naalala niya si Patrio. Oo, tama ka! Nagkita sila kahapon at hindi maganda ang ending ng kanilang pagkikita. Masakit lang para kay Rosalinda bagamat maraming naiwang ala ala si Patrio sa buhay niya. Pilit niya mang kaliutin ito sa pagbebenta ng sampaguita sa may Divisoria..hindi pa rin talaga e. Alam mo yun? Para bagang may magical potion na pinainom itong si Patrio sa kanya.
"Bwisit ka Patrio! Bwisit ka!" sigaw ng napakaganda at napakabangong si Rosalinda. "Bakit ba naman kasi sa dinami dami ng pwede kong magustuhan ay ikaw pa? Ikaw na isang walang kwenta! Manloloko! Ego centric at sexaholic na tao..wala kang kwenta Patrio, pagsisisihan mo rin ang pagsasamantala mo sa akin..alalahanin mo yan.." Sinabi ito lahat ni Rosalinda habang nakabuklat ang librong Sophocles. Di niya naman talaga binabasa yun, binuklat niya lang baka sakaling makalimutan niya kahit sa pag basa ng libro ang bwisit na si Patrio.
Tila nababaliw na siya..inisip niya na si Sergio ay ginagawa niya lamang na panakip butas pagkat ito'y tulad niya..mahilig sa marshmallows. Hai..di na tumigil sa kakaiyak si Rosalinda, araw gabi siya'y nagdurusa..ngayon tuloy ay wala na siyang mapagkatiwalaan. Tipong nung di na nga sila nag uusap ni Sergio naisip niya na para rin itong si Patrio. Ayaw naman aminin ni Rosalinda na siya'y bitter, pagkat hindi naman talaga sabi nga niya. Takot lang naman siyang magtiwala muli, pagkat ayaw niyang masaktan. Masakit ang ginawa ni Patrio..oo, siguro ay nagkamali rin siya ngunit aminin niya man ito, ay mas malupit naman ang ginawa ng manloloko.
Muling bumabalik ang ala ala ng nakaraan, isang taon na rin ang nakalipas..naalala niya si Patrio pagkat ang buwan na ito at ang mga susunod na buwan ay ang talaganng ngapapaalala kay Rosalinda kay Patrio. Marami silang napagdaanan noong naaraang taon..siguro ay ngayon gagawa na lang muli si Rosalinda ng mga bagong ala ala para matabunan na ang masamang nakaraan.
Ayun..nagbebenta na lang si Rosalinda ng sampaguita..baka sakaling habang nagbebenta ito ay may makilala siyang iba.
nom nom
the author is ______. nom nom nom
Wednesday, January 13, 2010
Monday, December 21, 2009
I'm All out of love
Sumambulat sa magandang mukha ni Agie ang mukha ni Albert. Sa mga panahong ito..wala na siyang nararamdaman para sa lalakeng ito. Ang kilig na kanyang nadama nung una niya itong nakita at nung mga panahong sila'y nagkakakilala ay tila napawi na. Marahil ay dahil sa panahon..marami na rin ang nangyari. Mga di inaasahan, may saya, may lungkot..pero karamihan ay lungkot pagkat si agie ay sadyang emo at saka hello? may monthly periods kaya.
Mahal kita..wika ni Albert na may tono ng pag ka macho, mala ala Edward Cullen na parang constipated talaga. Nakatitig lang si Agie sa mga mata nito..alam niyang hahalikan na siya ni Albert..alam niya talaga siyempre yun kaya yung sa movies yung pipikit ka na dapat tas maghihintay ng magnet na magdidikit sa labi ng dalawang mag kasintahan. Matagal tagal na rin pinangarap ni Agie na mahalikan, isa ito sa mga life long dreams niya...
Nagiisip si Agie na nakatitig sa mga labi ni Albert na papalapit na sa kanyang masarap halikan sana na labi dahil sa coconut flavored with mint lipgloss niya. Ayan na..malapit na..nakadilat pa rin ang mata ni Agie.
Albert...wika ni Agie..
Ano yun aking mahal?
Albert wag na tayo maglokohan..diba hindi mo naman ako mahal?
Anong sinasabi mo? Di kita maintindihan..
O sige..ieexplain ko a? So medyo awkward kasi hahalikan mo na ko dapat..aaa oo na-excite ako na startle siguro pero wala ka bang napapansin?
Ano ba sinasabi mo? Wika ni Albert na tila namumula na marahil ay sa hiya dahil grabe to si Agie aa..magrereact na nga lang bulgaran pa..baliw!
Diba parang..walang..spark?
Nagulat si Albert sa sinasabi ni Agie, pagkat alam niya na sa puso niya ay Agie lamang ang tinitibok nito.
Mahal..wika niya..mahal kita..alam mo yun..ikaw lang nagiisip niyan, aminin mo nga sakin..may iba ka bang gusto? Mahal mo pa ba ko?
Nagulat si Agie..oo nga..marahil ay sinasabi niya na si Albert ang wala ng nararamdaman pero ang katotohanan ay siya talaga ang wala ng nadarama sa matipunong si Albert.
Napagisip si Agie..at nakatulala na lang..
Hindi ko mahal si Albert...hindi ko siya mahal..
Message from the Author: ding ding ding ding! Ayoko na yung Albert, Guy, Agie story..wala lang..kasi sa totoong buhay, patay na si Guy si Albert may iba na tapos si Agie ay busy sa business niya. Gusto ko lang mag kwento uli tagal ko na di nag boblog e..weeeeeeeeeeee! Walang pathophy dito wahahaha!
Monday, November 30, 2009
Missing the person who killed me
Ayoko naman sana mag drama..
Ang gulo ng kwarto ko..
Natatamad ako kumilos..
Nasusuka ako..
May namimiss akong tao pero di ko siya dapat mamiss..dapat ishoshout out ko to sa facebook e. Kaso baka may mag feeling. E bakit nga ba kailangan pa i-shout out, papampam..
So para sa taong namimiss ko na di dapat mamiss..this song is for you..
Sana di ko na lang siya nakilala..ang tagal naman bago ko makalimutan, sana lang mahanap niya na ko.
Friday, November 6, 2009
Nonsense= Wala lang
Sa totoo lang, tamad na tamad na kong mag blog. Kakagaling ko nga lang ng duty ayun..pagod na ko, imagine almost 10 hours nakatayo, parang may future na kong mag bantay ng rebulto ni Dr. Jose Rizal. Ang rami ko gusto ikwento sa mga natutunan ko sa OR, mga thoughts lang habang naka tayo ako pero next time na nakakatamad.
So..wala lang..nonsense ang title kasi nonsense lang naman talaga to. Naisip ko lang naman..wala lang hehe! Nagbasa kasi ako ng blogs ng ibang bloggers, ayun cool nga e! Minsan yung iba iniisip ko soulmates kami hihi! Kaso siyempre hindi.
This is the part wherein nag shift si Agie ng kwento kasi ang rami niya masyado iniisip:
Alam mo yung minsan nageexpect ka..like yung sinabi ko na iniisip kong soulmates kami nitong certain blogger na ito..pero sa huli..hindi naman. Wala pa siguro akong kahit isang kina excite-an na natupad. Madalas nabibigo. Like one time, nilapitan ako ng isang writer sa Philippine Star, nasa isa kasi akong Fashion Show nun, under siya sa Fashion and he really liked my outfit, e siyempre ako naman flattered super smile sa cam tapos super na excite na alam mo yun..binalita ko sa lahat ng kamag anak at kaibigan na malalagay ako sa dyayo. Ayun..di naman ako nalagay, umasa lang ako. May nabasa ako na book, sabi may isa lang naman reason kung bakit di tayo masaya. Sige nga try mo sagutin..why are you unhappy? (di ka man malungkot ngayon, pero for sure di ka naman alien, tao ka rin, so nakaranas ka na ng kalungkutan) O! Isip..naisip mo na? Sabing mag-isip e..bakit nag babasa ka pa? (pause for 1 sec) wops! Tapos na..o siret na ba? The reason for our unhappiness is because of unfulfilled expectations. Now recall..bakit ka nga ba malungkot, nung mga panahong malungkot ka?
Tama naman diba?
Magshishift uli siya get ready:
Ayun..naisip ko, kaya ang raming emo na Filipino (actually ang Pilipinas, parang pwede ng bansagang Land of the Emos) e kasi expect ng expect pero yung expectations hindi naman yun yung mismong nangyayari, diba? Uunlad pa ang Pilipinas..may pag-asa pa..pero ano naman nangyayari? Hindi umuunlad boy! E pano..facebook ng facebook, nood ng Telenobela, Wowowee, punta sa mall, gastos, kain ng kain ng street foods, nakikibaka, baka ng baka e may napapala ba? E kasi kung kumilos na lang ng kusa sa pag babago ede may nangyari sana. Medyo ang layo na ata ng napuntahan e expectation lang naman yung topic, sabi ko naman nonsense lang talaga..random thoughts ganun.
Ayun lang..ayy wait..para may readers ako mag lalagay ako ng topic about love. Diba Love is what makes you tick? Ganun naman, yung iba diyan pa simple pa na naku...love? Di yan pinoproblema..mas may malala pang problemang dapat isipin bukod diyan..asus! Pa denydeny ka pa e bitter ka lang naman..soooo..hehe! Wala akong maisip tungkol sa love e, all I know is..Love is a 4 letter word, nothing more nothing less. (isa pang bitter)
Para sa huli kong pasalita..ahem..sabi nga nila, a picture's worth a thousand words..so iiwanan ko kayo ng napaka seksi kong picture, admire me..I'm admirable. (lol! Kulang ng u! Ulol!)
Diba mas masaya mag basa pag may picture? Cheese:)
Thursday, October 22, 2009
Bukaka
Masarap bumukaka. Naalala ko nung bata pa ko parati akong nakabukaka...
"Agie! Umupo ka ng maayos! Hindi upo ng babae yan!"- Mama
"Agie! Wag kang bubuka bukaka baka ka maging palaka.."- Tita
"Agie! Wag kang bumukaka baka may pumasok diyan.."- Ate Sol
"Agie..apo..upo ng maayos.."- Lola
Nagenjoy ako sa kakabukaka noon. Ewan ko past time kong bumukaka, pag nanonood ng TV, may kausap..basta bukang bukaka talaga. Kung bang term sa nursing..lithotomy position, ganun. Hindi ko naman alam kung bakit parati nila ko pinagsasabihan nun? E ano namang masama kung ganun ako umupo? Naalala ko pa nga nabutas yung shorts ko kasi sa sobrang bukaka ko, tapos nabigla e ayun..
May video ko dati, nakabukaka ako tapos nanonood ako ng Tv, nakaupo ako sa rocking chair ni Lolo. Vinideohan ako nun ni tito, ewan ko kung bakit pero kaya ko siya sobrang naalala e kasi pinapanood niya sa mga bisita nung reunion. Ang weird nga e, yung mga bisita naman pinanood. Naalala ko rin may hawak akong bola nun, pinaglalaruan ko siya, tapos dahil ng nakabukaka ako, muntik na siyang ma-shoot..hinding hindi ko yung malilimutan, kasi ngayon naiisip ko na lang kahihiyan.
Ngayon, alam ko na kung bakit sinabi ni Mama, Tita, Ate Sol at Lola, na umupo ako ng tama. Para nga namang very inviting kung nakabukaka ka. Malay ko bang ganun pala yun. Dati nga kala ko basta mag tabi lang ang lalake at babae magkaka-anak na. Lately ko nga lang nalaman na kelangan pala talaga bumukaka.
Bukaka.
Bukaka.
Bukaka.
Wag bumukaka.
Bow.
Oral Revalilove OVER!
Pero ang kwento ni Guy at Agie ay patuloy pa rin, kaya inyong subaybayan.
YES! Alam mo yung YES! talaga! Ang saya ng feeling na pumasa, para bang Grumaduate na ko kahit hindi pa. it's such a fulfillment. Akala ko di ko na kaya pero kinaya ko! Thank you Lord. Kung may lubusan akong papasalamatan, si Lord talaga yun! Thank you po talaga!
Grabeng experience, gusto kong ikwento pero dahil natatamad ako (waha!) wag na lang, ang haba e.
Pero sige na nga..
Alasingko na ng umaga, gumising si Agie.."GISING NA!!"- mahinhin na sigaw ng kanyang ina(pagka siya ay mahinhain parang si Agie). Dumilat na ang mamutang mata ni Agie, at naisip..ORALS NA! Bumaba na si Agie, sa pagbaba niya binuklat niya ang Oral revalida book, umaasa na baka kahit kakaunti ay may mag stick pa sa kanyang kukute, pero sinara niya na rin kaagad pagkat naiihi na pala siya. "Hepa A Hepa A Hepa A..Cardiomyopathy, pag nagdecrease yung cardiac output, magiincrease yung work ng lungs pag nangyari yun gagamit ng accesory muscles, magkakaroon ng fatigue tapos weakness..dahil abnormal yung muscle of the heart malaki yung ventricles, magkakaroon ng blood pooling, magkakaroon ng diastolic shux ano ba uli yun? Yung sa ECG niya may arrythmia..waaaa! HNP..HIV.."-habang naliligo siya ay naisip niya ang random diseases na ito..gagamit ba ko ng conditioner? Oo baka swertehin ako pag malambot hair ko. Umakyat na siya, nagbihis..at siyempre, nag MAKE-UP! Inisip niya pa kung ano bang magandang kulay ng eyeshadow ngayon, inisip niya hmmm blue kaya? Pero baka isipin ng C.I ko party..o kaya emo..green na nga lang, swerte yung green color kasi nakikita ko yung crushes ko.
Tapos ng mag ayos si Agie, lumabas siya ng bahay na may hawak na rosaryo, madiin ang hawak niya rito sa kanan niyang kamay. "Lord Lord please po sana yung alam ko po, help me Lord..."Sumakay na siya ng jeep, astig tong jeep na nasakya niya, ang pag bungad na awit sa kanyang pag pasok ay ang awiting Lips like sugar, so feeling niya naman model na naman siya ng jeep. Nakatali na ang buhok i Agie, hindi tulad ng usual na nakalugay at nahahanginan ang kakulutan niyang tunay. Ayun, medyo madiin pa rin ang hawak niya sa rosaryo. Kinuha niya ang Green Apple niyang notebook at tiningnan ang notes na tinake note niya kahapon. Wala rin namang pumasok sa isip niya pagkat astig yung mga ugtog sa jeep, meron pang Bootylicious-ang favorite dance song niya. Nakarating na siya sa babaan niya at wala talaga rin siya naaral e. Bukod sa kinakausap niya si Lord medyo napapaindak yung isip niya sa tugtuging cool.
Grabe..nakakatamad talaga mag kwento a?
Fast Forward..
Siya na lang ang nahuli ayun..blah blah blah..bunot, no. 25, Ms. Axibal your case is a case of Pneumonia are you ready to defend this case? Yes ma'am, blah blah blah..what is why did you write it? Is it contraindicated, what's the mechanism of action..chorva! tuk tuk tuk! 2.5.
Basta ang saya ko sobra! Nakakatamad magsulat dapat kahapon ko pa to pupublish (Thursday na pala 1:00 am) pero ngayon ko palang pupublish, hai..PMS lang to, PMS lang to..o wait magssmile ako..
:D-pilit.
Subscribe to:
Posts (Atom)


